Mahigit P100-K halaga ng shabu, nasabat sa buy-bust operation sa Quezon City

Timbog ang tatlong lalaki at isang babaeng tulak umano ng iligal na droga sa lungsod ng Quezon matapos ikasa ang buy-bust operation laban sa kanila.

Nakilala ang mga suspek na sina Dennis Serrano Urian, 46 years old; Saanoden Dica Alonto, 31 years old; Rey Nacional Nacion, 35 years old, at Divina Baguio Liban, 51 years old.

Nakuha mula sa mga suspek ang 15 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P102,000.


Kinumpiska rin ng mga pulis ang motorsiklo na gamit ng mga suspek at cellphone na hinihinalang naglalaman ng mga contact number na maaaring pinagkukunan ng mga suspek ng ipinagbabawal na gamot.

Ginawa ang nasabing operasyon sa kahabaan ng Atrium Street, Barangay Pasong Putik Proper, Quezon City pasado alas-5:30 kahapon ng hapon, matapos makumpirma ng mga awtoridad ang iligal na gawain ng mga suspek sa nasabing lugar.

Nakakulong na ang mga suspek sa Quezon City Philippine National Police custodial facility at nahaharap sila sa kasong paglabag sa Anti-Illegal Drugs Act of 2002.

Facebook Comments