Mahigit P130-K halaga ng shabu, nasamsam sa Marikina City

48

Nasabat ng mga awtoridad ang 20 gramo ng hinihinalang shabu sa buy-bust operation sa Barangay Tumana, Marikina City kahapon.


Tinatayang nasa P136,000 ang halaga ng iligal na droga.

Nadakip naman sa operasyon sina Amrex Camama Maomen, alyas ‘Salik’, 19-anyos at John Dela Cruz Ayo, alyas ‘John’, 21-anyos.

Nakakulong na ang mga suspek sa PNP custodial facility ng Marikina at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments