
Nasabat ng Police Regional Office 3 (PRO3) ang mahigit P131 milyon halaga ng ilegal na droga sa isinagawang 2,706 anti-drug operations mula January 10 hanggang June 8, 2025.
Sa naturang panahon, nadakip ang kabuuang 4,084 kataong sangkot sa droga, kabilang ang mga tulak, at gumagamit na maituturing na malaking tagumpay laban sa lumalalang drug trade sa rehiyon.
Ayon sa ulat, kabilang sa mga nasamsam ay 19,032.93 gramo ng shabu, 15,409.96 gramo ng marijuana, at 151.59 gramo ng kush.
Sinabi ni PRO3 Regional Director PBGen. Jean Fajardo paiigtingin pa ng Philippine National Police (PNP) ang ugnayan sa mga lokal na pamahalaan at komunidad upang mas maging epektibo at inklusibo ang laban kontra droga.
Facebook Comments