Nasa higit 19 milyong pisong cash assistance ang inilaan sa halos 4,000 tsuper ng jeep sa Ilocos Region mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) bilang tulong sa epekto ng pabago-bagong presyo ng gasolina.
Aabot sa 3,999 jeepney drivers ang nabigyan ng tig-P5,000 sa ilalim ng Cash Relief Assistance mula May 13 hanggang 20, na may kabuuang halagang mahigit P19.9 milyon sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program.
Nasali ang mga kwalipikadong benepisyaryo matapos ang validation at inendorsong listahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), na siyang katuwang at katulong rin sa pamamahagi.
Ayon sa DSWD, patuloy na prayoridad ng ahensya ang pagbibigay-suporta sa mga tsuper upang matulungan silang makapagpatuloy sa kanilang hanapbuhay at makapagbigay ng serbisyo sa mga commuter. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










