Mahigit P2.5 milyong halaga ng shabu, nasamsam ng mga otoridad sa Taguig

29

Timbog ang isang babaeng tulak umano ng illegal droga, matapos isagawa ang buy-bust operation sa kahabaan ng Pendatun St., Barangay Maharlika, Taguig City, pasado alas- 8:30 kagabi.

Nakilala ang suspek na si Farida Zainal Mohammad, 59-anyos, at residente ng nasabing Barangay.


Nakuha mula sa kanya ang 375 grams ng umano’y shabu na may katumbas na halagang PHP2,550,000.00.

Narekober din ng mag pulis sa suspek ang PHP400.00 na ginamit bilang buy-bust money at dalawang Cellphone na hinihinalang naglalaman ng mga contact nito sa kanyang mga parokyano at contact ng posibleng pinagkukunan nito ng ipinagbabawal na droga.

Nakakulong na ang suspek sa Taguig City Police Station Custodial Facility at nahaharap ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs of 2002.

Facebook Comments