Mahigit P2-M ng halaga ng hinihinalang droga, nasabat sa isang high value individual sa Pasay City

Arestado ang isang high value individual na lalaki matapos na mahulihan ng hinihinalang droga na nagkakahalaga ng mahigit P2 milyon sa isinagawang buybust operations sa kahabaan ng Service Road ng Roxas Boulevard, Pasay City.

Kinilala ang suspek sa alyas ‘Ethan’, 42-anyos na residente ng Cadena De Amor Street, Pildera 1, Mia Road, Pasay City.

Nakumpiska mula suspek ang mahigit kumulang 300 gramong hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P2,040,000, mahigit kumulang 95 na iba’t ibang tableta na hinihinalang ecstasy na nagkakahalaga ng P161,500, buybust money, cellphone, wallet, pantalon, id, at paper bag.

Nasa kustodiya na ng Philippine National Police Drug Enforcement Group (PNPDEG), at Special Operation Unit National Capital Region (SOU NCR) sa Camp Bagong Diwa, Taguig City ang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments