Mahigit P270-K na halaga ng umano’y shabu, nasabat sa Marikina City

Nasamsam ng mga otoridad ang 40 gramong umano’y shabu na may katumbas na halagang P272,000 matapos salakayin ang bahay sa #10 1st Street Paliparan, Sto Niño, Marikina City pasado ala-1:10 kaninang madaling araw.

Dahilan para maaresto rin ang mga suspek na sina Julius Peña Galleon at Mark Warren Espiritu Santo Sarte na mga kasama sa drug watchlist ng lungsod.

Kasama ring hinuli ang ilan sa loob ng bahay na sina Danica Barrozo Velasco, Loundro Catorroha Punla, Felix Cesar Romey Dy, John Lester Padawil Grimaldo.


Ginawa ang nasabing operasyon matapos mapag-alaman at makumpirma na ginagawang bentahan ng droga ang bahay sa nasabing lugar.

Nakakulong na ang mga suspek sa Marikina City Philippine National Police (PNP) custodial facility at nahaharap sila sa kasong paglabag sa Anti-Illegal Drugs Act of 2002.

Facebook Comments