
Nakumpiska ng Northern Police District (NPD) – District Drug Enforcement Unit ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P2.1 milyon mula sa isang high value individual sa Caloocan City.
Kinilala ang suspek sa alyas ‘Boss’, 54-anyos na residente ng Barangay 176 ng nasabing lungsod.
Nahuli ang suspek matapos ang isinagawang buybust operations kung saan narekober sa kaniya ang nasa 320 gramo ng shabu.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa ra 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Facebook Comments