Mahigit P400,000 halaga ng iligal na droga, nakuha sa isang lalaki na kabilang sa PNP-PDEA Unified Drugs Watchlist

98

Nakumpiska ng mga tauhan ng Bulacan Provincial Intelligence Unit ang mahigit 400,000 pisong halaga ng iligal na droga sa ikinasang buy-bust operation sa San Jose del Monte, Bulacan.

Ayon kay Police Colonel Lawrence Cajipe, Provincial Director ng Bulacan Police, nagpanggap na buyer ang isang intelligence officer kaya nahuli ang suspek na si Roel Pasiola na kalaunan ay kinilalang si Mario Mañago na kabilang sa Philippine National Police Philippine Drug Enforcement Agency (PNP-PDEA) Unified Drugs Watchlist.

Narekober ng pulisya sa suspek ang 23 medium sized heat sealed plastic sachets ng hinihinalang shabu na may bigat na 60 gramo at may market value na P408,000.

Inihahanda na ang kasong isasampa laban sa suspek.

Facebook Comments