Mahigit P680,000 halaga ng shabu, nasabat sa Muntinlupa; Suspek, timbog!

31

Arestado ang isang lalaking tulak umano ng ilegal na droga sa lungsod ng Muntinlupa matapos ikasa ang buy bust operation laban sa kanya dakong alas-7:30, Linggo ng gabi.

Nakilala ang suspek na si Ramond Pangilinan Calinog, 34-anyos at residente ng 168 T. Molina Street, Purok 5, Barangay Alabang, Muntinlupa City.

Nakuha mula sa suspek ang 101 grams ng umano’y shabu at nakakahalaga ng P686,800 at ang P2000 ma buy bust money.

Bago nito, nagsagawa muna ang mga otoridad ng pagmamanman sa suspek matapos makatanggap ang mga ito ng impormasyon ukol sa ilegal na gawain ng suspek kaugnay sa ilegal na droga.

Nang makumpirma, agad isinagawa ang nasabing operasyon laban sa suspek sa PNR Site, Sucat ng naturang lungsod dahilan ng pagkaaresto nito.

Nakakulong na ang suspek sa Muntinlupa City PNP Custodial Facility at nahaharap ito sa kasong paglabag sa Anti-Drugs Act of 2002.

Facebook Comments