
Aabot sa mahigit pitong milyong pisong halaga ng ecstasy tablets o “party drugs” ang naharang ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Port of Clark.
Ayon sa BOC, isinama ang 4,491 tablets ng ecstasy sa mga kahon ng gummy candies at Belgian waffle biscuits na may kabuuang halaga na P7.6 million.
Nagmula Brussels, Belgium ang mga iligal na droga at ibabagsak sana sa Quezon City.
Nakumpiska ang mga ito sa pakikipagtulungan ng Customs sa Philippine Drug Enforcement Agency – Airport Interdiction Unit.
Sinabi naman ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio na patunay ito sa hangarin nilang pigilan ang pagpupuslit ng mga iligal na droga sa bansa.
Facebook Comments