
Nakumpiska sa isinagawang buybust operation sa Barangay San Antonio, Makati City ang aabot sa 1,300 gramo ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng P8,840,000.
Kaugnay nito ang isang lalaki at isang babae, parehas 28 taong gulang.
Ang dalawang suspek ay inaresto ng Makati City Police Station Drug Enforcement Unit.
Nakitaan ng pinaghihinalaang shabu na itinago sa isang selyadong pakete na may nakasulat na “Freeze Dried Durian” na nakasulat din sa Chinese character; kasama na rin ang cellphone, eco bag, at perang ginamit sa buybust operation.
Haharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga suspek habang tinatapos pa ang mga dokumentong isusumite sa Makati City Prosecutors Office.
Facebook Comments