Mahigit pitong bilyong pisong buwis, hindi nakokolekta ng Customs

146

Umabot na sa mahigit P7 bilyon ang kita na nawala sa gobyerno dahil sa iregularidad sa National Value Verification System (NVVS) ng Bureau of Customs (BOC).

Ayon kay House Committee on Ways and Means Chairman Joey Salceda, aabot sa P7.8 billion ang dapat na kitang makokolekta sana ng pamahalaan mula July 2019 hanggang January 2020.


Dahil sa mga korapsyong natuklasan sa NVVS, bumuo ng joint task force committee ang technical working group ng Ways and Means at ang BOC para pag-aralan ano ang mga hakbang na gagawin upang mahinto ang mga pangaabuso dito.

Katunayan, sumulat ang BOC sa komite para makiusap na payagan muna ang paglalatag ng mga safety measures bago pag-isipan ang pagpapatigil sa operasyon ng NVVS.

Lumalabas sa pagdinig na hindi na iniinspeksyon ang mga kargamentong pumapasok sa bansa dahil ang mga ito ay dumadaan sa Super Green Lane at may mga accredited importers ay hindi kailangang dumaan pa sa inspeksyon sa adwana.

Bukod sa hindi lahat ay dumadaan sa inspeksyon ng NVVS ay nakadepende pa kung sino ang mag-i-input ng data sa system kaya lantad ito sa negosasyon na siyang pinag-u-ugatan ng korapsyon sa customs.

Facebook Comments