Mahigit tatlong milyong halaga ng shabu, nakumpiska sa buy-bust ops sa Pasay City

62

Abot sa ₱3.4 million ang halaga ng shabu ang nasamsam ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang buy-bust operation sa Pasay City.

Arestado naman ang tatlong drug personality na sina Halil Olama, 23 anyos, Samsoding Ampuan, 22 anyos at Junaid Casidar, 40 anyos, kapwa mga residente ng Paranaque City.


Nakuha sa mga tulak ng droga ang mahigit na 500 gramo ng shabu at buy-bust money.

Facebook Comments