Mahigpit na implementasyon ng Magna Carta of Filipino Seafarers, solusyon sa mga kaso ng pag-abandona ng Filipino seafarers sa karagatan

Iginiit ni Kabayan Party-list Rep. Ron Salo ang tama at mahigpit na pagpapatupad ng Magna Carta of Filipino Seafarers at ang implementing rules and regulations nito.

Panawagan ito ni Salo kasunod ng report ng International Transport Workers’ Federation (ITF) na umaabot na sa 3,133 ang mandaragat sa buong mundo na inabandona sa karagatan kung saan 273 sa mga ito ay mga Filipino.

Sabi ni Salo, kailangang magkaroon ng pananagutan sa ganitong insidente ang ang mga may-ari ng barko at manning agencies na siyang itinatakda ng Magna Carta of Filipino Seafarers.

Binanggit ni Salo na nakapaloob din sa batas ang pagtiyak na mabibigyan ng legal at pinansyal na tulong ng gobyerno ang mga biktimang marino.

Bunsod nito ay tiniyak ni Salo ang patuloy na pakikipag-ugnayan sa Department of Migrant Workers, Department of Labor and Employment, MARINA at iba pang kaukulang ahensya para matiyak ang lubos na implementasyon ng batas.

Facebook Comments