Mahigpit na pagpapatupad ng road safety inspection, ipinag-utos

55

Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mahigpit na pagpapatupad ng road safety checks kasunod ng malagim na truck accident sa South Cotabato kung saan 20 ang patay.

Ayon sa DOTr, isang executive order para sa road safety enforcement ay nakatakdang i-isyu.


Nais ng Pangulo na magkaroon ng roadworthiness inspeksyon sa mga Public Utility Vehicle (PUV) at magsagawa ng regular na inspeksyon sa mga terminal.

Itinutulak ng Pangulo ang PUV modernization program para maitaas ang lebel ng kaligtasan at seguridad ng mga pasahero.

Para mabigyan ng lisensya sa pagmamaneho, dapat may minimum IQ level ang mga driver at sumailalim ang mga ito sa mandatory drug test.

Facebook Comments

From Advertisers