Mahigpit na pakikipag-ugnayan sa mga LGU, daan para magtagumpay ang mga programa para sa bansa at mamamayan

Iginiit ni House Deputy Speaker at Las Piñas Rep. Camille Villar ang kahalagahan ng mahigpit na koordinasyon ng national government sa mga lokal na pamahalaan para magtagumpay ang programang tutugon sa pangangailangan ng mamamayan.

Sa kanyang pagdalo sa 2025 General Assembly of the League of Municipalities ay pangunahing binanggit ni Villar ang mga programang nagsusulong ng food security, desenteng pabahay, trabaho o hanapbuhay.

Diin ni Villar ang mga Local Government Unit (LGU) at mga opisyal nito ay nagsisilbing tulay sa pagitan ng national government at mga komunidad sa buong bansa.

Hinggil dito ay nananawagan si Villar sa lahat na magtulungan para sa ika-uunlad ng Pilipinas ngayon at hanggang sa susunod na henerasyon.

Facebook Comments