Mahigpit na seguridad sa mga pantalan, ipinatutupad sa harap ng pagbabalik eskwela

Pinaigting ng Philippine Ports Authority (PPA) ang seguridad sa mga pantalan sa harap ng inaasahang dagsa ng mga estudyanteng bibiyahe ngayong pagbabalik ng klase.

Bahagi ito ng Oplan Biyaheng Ayos: Balik Eskwela 2025 kung saan ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tiyaking maginhawa at ligtas ang biyahe ng mga pasahero sa mga pantalan.

Sabi ni PPA General Manager Jay Santiago, bago pa man ang pagbabalik-eskwela ay nagsagawa na ng mga paghahanda ang iba’t ibang Port Management Offices sa buong bansa.

Nagkaroon na rin ng pagpupulong ang PPA katuwang ang ibang ahensiya at shipping lines at nagsagawa ng mga inspeksiyon para matiyak na maayos na magagamit ang mga pantalan lalo na ngayong tag-ulan.

Facebook Comments