Mahigpit na seguridad sa Naga City, ipinatupad na para sa nalalapit na fluvial parade

16

Naga, City – Punuan na ang lahat ng mga hotel at iba’t-ibang mga lugar para sa mga dumadagsang mga deboto kaugnay sa nalalapit na fluvial procession ng Our Lady of Peñafrancia.

Ito ang monitoring ng Philippine National Police katuwang ang Philippine Army.

Ayon kay Task Force Commander Police Senior Superintendent Jeffrey Fernandez,tinriple nila ang pagpapatupad ng seguridad sa loob at labas ng naga city maging sa mga karatig nitong bayan.

Bukod sa seguridad, tiniyak din ng mga awtoridad na nakahanda ang kanilang medical response team para sa mga maaaring mangailangan nito sa araw ng parada.

Facebook Comments