MAHIRAP GAWIN | Mungkahi na isapribado ang BOC, malabo para kay Senator Recto

135

Manila, Philippines – Naniniwala si Senate President Pro Tempore Ralph Recto na malabong mangyari ang mungkahi na isapribado ang bureau of customs o BOC.

Ayon kay Recto, mahirap gawin ang pagsasapribado ng BOC at kahit pa ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Lumutang ang mungkahing privatization bilang solusyon sa nagpapatuloy na katiwalian sa BOC.

Pero giit ni Recto, mas mainam na gamitin ang makabagong teknolohiya para resolbahin ang katiwalian at iba pang problema sa BOC.

Diin pa ni Recto, dapat ding magpatupad ng reporma sa pangangasiwa at istraktura ng Bureau of Customs.

Facebook Comments