Maigting na kampanya ng PNP kontra iligal na droga, tuloy matapos mapatay ang isa na namang drug lord sa Western Visayas

Manila, Philippines – Sa kabilang ng panganib sa buhay ng mga pulis sa pagtugis sa mga drug lord sa bansa.

Tiniyak ng pamunuan ng Phil. National Police na hindi titigil ang kanilang hanay sa kanilang maigting na operasyon kontra iligal na droga.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Chief Supt. Dionardo Carlos ang pagkamatay ni Richard Prevendido ang no. 1 drug lord sa Western Visayas ay isa lamang sa mga naging target ng operasyon ng PNP na mapanganib.


Magkagayunpaman tuloy ang kanilang operasyon laban sa mga high value targets upang tuluyan ng masawata ang iligal na droga sa bansa.

Matatandaang kagabi nasawi si Richard Prevendido at anak nitong si Jason Prevendido matapos umanong manlaban ng isilbi ng PNP Iloilo ang warrant of arrest kay Richard Prevendido sa Brgy. Balabago Jaro Leyte.

Facebook Comments