Maine Mendoza, inaming biggest fan siya ng kaniyang boyfriend na si Arjo Atayde

84

Hindi naitago ng aktres na si Maine Mendoza ang paghanga sa kaniyang boyfriend na si Arjo Atayde matapos nitong masungkit ang Best Actor sa 2020 Asian Academy Creative Awards.

Sa Twitter post ng aktres, tinukoy niya ang sarili bilang ‘biggest fan’ ni Arjo at iginiit na nararapat lamang sa nobyo ang natanggap nitong pagkilala.

Nagpasalamat si Arjo sa pagbati ng kanyang girlfriend at inamin na si Maine ang isa sa kanyang inspirasyon.


Inamin din nito na gusto niyang makatrabaho ang aktres sa kanyang mga future projects.

Facebook Comments