Maine Mendoza, inasar ang boyfriend na si Arjo Atayde sa pagkakahawig nito sa isang NBA player

554

Inasar ni Maine Mendoza ang boyfriend na si Arjo Atayde sa pakakahawig nito sa isang NBA player.

Sa Instagram post ni Maine, ipinakita niya ang side-by-side photo ni Arjo at ang Miami Heat player na si Duncan Robinson.

Nabatid na laman ng mga balita sa sports ang timely 3-point shots ni Duncan Robinson na nakatulong para matalo ng Miami Heat ang Boston Celtics sa Game 6 ng NBA Eastern Conference Finals.

Biro ni Maine, kamukha ng Kapamilya actor si Robinson.

Ni-repost naman ni Arjo ang kuwelang artcard na ibinahagi ni Maine sabay sabing “Delete this photo please”.

Naging magkasintahan sina Maine at Arjo noong December 21, 2018.

Facebook Comments