Maine Mendoza, ipinasilip sa fans ang kanyang weird collection

118

Aliw na aliw ngayon ang TV Host at Actress na si Maine Mendoza  sa pangongolekta ng mga nail polish at nail art materials.

Ayon sa aktres, magdadalawang taon na siyang napapasaya at napapakalma ng kanyang mga collections.


Sa isang vlog, ipinasilip ni Maine sa publiko ang kanyang mga branded nail polish at nail treatment oils na kung minsan ay hinahanap pa niya sa mga online stores.

Biro pa ng aktres, na ang wish niya ngayon ay sana magamit na niya ito lahat dahil karamihan sa mga binili niyang nail polish at nail art materials ay nakadisplay lang.

Facebook Comments