Maintenance shutdown ng MRT-3, nagsimula na

36

Simula na ngayong araw ang isang linggong tigil operasyon ng Metro Rail Transit o MRT Line 3 para sa maintenance.

Ayon sa pamunuan ng MRT, mayroong 140 point to point buses ang babiyahe para sa mga pasaherong apektado ng kanilang shutdown.


Ang bus augmentation program ay magsisimula ng Abril 15 hanggang 17 at Abril 20 hanggang 21 ng alas-5 ng umaga hanggang alas-9 ng gabi.

Magsasakay at magbababa ang mga P2P bus ng pasahero sa lahat ng istasyon ng MRT northbound man o southbound.

Ang pamasahe sa mga P2P bus ay katulad din sa fare matrix na ipinatutupad ng MRT 3.

Facebook Comments

From Advertisers