MAISASAKATUPARAN | Maguindanao, magkakaroon na ng government center

659

Buluan, Maguindanao – Ikinatuwa ni Maguindanao Governor Esmael Toto Mangudadatu ang pagpapatayo ng Maguindanao Government center sa bayan ng Buluan, Maguindanao.

Ito ay matagal na nilang pangarap na ngayon ay maisasakatuparan na rin matapos paglaanan ng pondong nagkakahalaga ng 100 milyong piso mula sa tanggapan ng Pangulong Duterte.

Ito ay itatayo sa loob ng 10 -12 buwan sa bayan ng Buluan, Maguindanao.

Matagal ng problema sa lalawigan ng Maguindanao ang kawalan ng permanenteng kapitolyo dahil sa nakaraang panahon kung sino ang nanalong gobernador ay sa kanyang bayan naililipat ang sentro ng gobyerno.

Facebook Comments