Maja Salvador, nag-post ng larawan nila ng kaniyang rumored boyfriend

449

Sa unang pagkakataon, nag-post si Maja Salvador sa Instagram ng larawan nila ng kanyang rumored boyfriend na si Rambo Nuñez.

Tanging heart emojis lang inilagay na caption ni Maja sa larawan.

Gayunman, nananatiling tikom ang bibig ni Maja sa real status nila ni Nuñez.

Una nang kumalat ang picture ni Maja at ni Rambo sa ilang private events kasama ang kanilang mga kaibigan.

Dati na ring sinabi ni Maja na masaya ang kanyang puso pero tumanggi siyang pangalanan ang lalaking nagpapasaya sa kanya.

Facebook Comments