Major breakthrough sa kaso ng pagpatay kay Gov. Degamo, asahan na

Tiwala ang Philippine National Police (PNP) na mareresolba na ang kaso ng pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo.

Ito ay ayon kay PNP Spokesperson PCol. Jean Fajardo dahil sa may hawak na silang impormasyon patungkol sa kung sino ang mastermind at iba pang sangkot sa krimen.

Sa kasalukuyan, may 12 ‘John Does’ pa ang nananatiling at large subalit batid na ng binuong Joint Task Force Negros ang kinaroroonan ng mga ito.


Panawagan pa ni Fajardo sa mastermind at iba pang suspek, ay sumuko na bago sila arestuhin ng mga awtoridad.

Giit pa ni Fajardo, asahan na ang maigting na operasyong ikakasa ng mga awtoridad upang maigawad ang hustisya sa mga naulilang pamilya ng mga biktima.

Facebook Comments