Sunday, May 17, 2026

Makabayan Bloc, duda na makakatugon sa tumataas na inflation ang panukalang KALINGA Bill

Nagpahayag ng pangamba ang mga kongresistang kasapi ng Makabayan Bloc sa isinusulong na Kalinga Act sa harap ng naitalang 7.2 percent na inflation rate nitong Abril na pinakamataas sa nagdaang tatlong taon.

Layunin ng panukalang KALINGA Act na matugunan ang malawak na epekto ng krisis sa langis dulo’t ng nagpapatuloy na tensyon sa Middle East.

Pero diin nina Reps. Antonio Tinio, Sarah Jane Elago, Renee Louise Co ng Makabayan Bloc, sa halip na tugunan ang structural causes ng krisis ay mas inuuna ng KALINGA ang short-term o panandaliang solusyon.

Babala pa ng Makabayan Bloc, binubuksan ng KALINGA Bill ang pinto sa mas pinalawak na presidential emergency powers na maaring maabuso dahil ang administrasyon ang nagpapahintulot sa unprogrammed funds.

Facebook Comments