MAKABAYAN, maghahain sa susunod na linggo ng resolusyon para imbestigahan ang pagpatay sa grade 11 student

Manila, Philippines – Paiimbestigahan ng MAKABAYAN sa Kamara ang pagpatay sa Grade 11 student sa Caloocan matapos mapaghinalaang gumagamit ng droga matapos ang isinagawang Oplan Galugad.

Ikakasa na sa susunod na Linggo ng MAKABAYAN bloc ang ihahaing resolusyon para sa imbestigasyon.

Para sa MAKABAYAN bloc, hindi dapat na manahimik na lamang ang Kamara sa mga insidenteng ito lalo pa at wala nang sinisino ang mga pulis kahit pa menor de edad na walang kalaban-laban.


Binuhay din ng MAKABAYAN bloc ang house resolution 259 na una nilang inihain noong nakaraang taon sa kasagsagan din ng patayan sa gitna ng giyera sa droga.

Sa resolusyong ito, binigyang diin na pawang mahihirap ang napapatay samantalang ang mga ring leader ng sindikato ng droga ay hindi naman nahuhuli ng mga otoridad.

Facebook Comments