Makabayan sa Kamara, nagsagawa na rin ng relief operation para sa mga biktima ng Bagyong Ulysses

298

Nagsagawa na rin ng sariling relief operation ang Makabayan sa Kamara sa mga residenteng sinalanta ng Bagyong Ulysses dito sa Metro Manila.

Simula kahapon ay kumikilos na ang mga kongresista para magbigay ng ready-to-eat foods at hot meals sa evacuees.


Nanguna sa relief operation na ito sina Bayan Muna Rep. Carlos Zarate, Gabriela Rep. Arlene Brosas, at Kabataan Partylist Rep. Sarah Elago.

Hinatiran ng pagkain ng mga kongresista at volunteers ang mga evacuees mula sa ilang barangay sa Marikina, Quezon City at Rizal na matinding binaha kahapon.

Bukod sa mga ready-to-eat na food packs ay namahagi rin ng bigas, tuyo, tinapa, at itlog ang mga ito para may makain sa mga susunod na araw gayundin ay namigay rin sila ng mga face masks sa mga evacuees.

Facebook Comments