DZXL Radyo Trabaho team, bumisita sa Civil Service Commission Office sa Quezon City

Makabuluhan ang kauna-unahang pagbisita ng radyo trabaho team sa tanggapan ng Civil Service Commission sa Quezon City.

 

Naging mainit ang pagtanggap sa RT Team ni Director III, Public Assistance and Information Office Ma. Theresa Fernandez at Atty. Carlo Bala, Director VI Chief of Staff ng CSC.

 

Ayon kay Fernandez, bukas ang kanilang tanggapan na makipag-ugnayan magandang layunin sa DZXL Radyo Trabaho.


 

Anya magandang pagkakataon na maipaliwanag nila sa ating mga kababayan na nagnanais na makapasok sa gobyerno ang proseso at mga kwalipikasyon dito.  Maari din nilang idetalye ang ibat-ibang klase ng eligibility para matanggap sa iba pang sangay ng pamahalaan.

 

 

Masaya naman sina Ms. Erika Canoy-Sanchez, RMN VP for Marketing and Content at DZXL Station Manager Buddy Oberas sa positibong tugon ng CSC na makatulong sa pagbibigay ng impormasyon sa ating mga kababayan.

 

Pagtitiyak pa ni Ms. Erika na agad aayusin ang isang kasunduan para pagtibayin ang samahan ng Radyo Trabaho team at tanggapan ng CSC.

 

Sina Public Assistance and Information Office Director III Ma. Theresa Fernandez at Ms. Erika Canoy-Sanchez, RMN VP for Marketing and Content

 

Sa Radyo trabaho, trabaho lang, walang personalan.

Facebook Comments