MAKAKALUSOT | Dating Senador Bong Revilla – tiwalang maaabswelto rin sa mga kasong graft

147

Manila, Philippines – Tiwala si dating Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. na makakalusot rin siya sa mga kasong graft na kinakaharap sa sandiganbayan kasunod ng pagpapawalang-sala sa kanyang kasong plunder.

Matatandaang may 16 counts pang graft charges na kinakaharap ni Revilla sa Sandiganbayan kaugnay sa Pork Barrel Scam.

Ipinapaubaya na raw ito ni Revilla sa kanyang mga abogado at umaasang kakatigan din siya ng mga mahistrado.

Una ng inihayag ni Revilla na para siyang nabunutan ng sibat sa dibdib matapos ang not guilty verdict ng korte at tuluyan na siyang nakalaya.

Facebook Comments