Makalipas ang 20 taon, pamilya ng mga namatay sa Payatas tragedy nabigyan na ng danyos

58

Natanggap na ng nalalabing pamilya ng mga naging biktima ng Payatas tragedy ang danyos na ₱110,000 mula sa pamahalaang lungsod ng Quezon.

Pagtalima ito ng LGU sa kautusan ng korte noong nakalipas na taon na bayaran ng ₱6 million damages ang pamilya ng mahigit 200 kataong nasawi noong July 2000.

Gumuho ang dumpsite noon sa panahon pa ni dating Quezon City Mayor Ismael Matahay Jr.

Ayon sa Quezon City LGU, nabigyan na ng hustisya ang mga namatay sa trahedya na matagal nang inaasam-asam ng mga kaanak ng mga biktima.

Facebook Comments