Sa pagsisimula ngayong araw ng campaign period ng mga senatorial candidates at partylist, Isa-isa nang inilatag ng mga Pangasinense ang mga katangian na dapat taglayin ng karapat-dapat iboto sa nagaganap na halalan sa Mayo.
Sa pag-iikot ng IFM News Dagupan, ilang residente ang nagsabing mahalaga ang pagiging makatao ng isang senador dahil sa paraang ito nalalaman umano ang tunay na estado at kaganapan sa mga maliliit na sektor.
Dagdag pang hinahanap ng ilang Pangasinense ang pagiging tapat sa serbisyo at paglilingkod ng walang korapsyon upang tuluyang matulungan ang mga mahihirap.
Samantala, iminumungkahi naman ng ilan ang pagtutok sa seguridad ng mga Pilipino partikular sa pagsugpo ng iligal na droga na matagal nang problema sa bansa.
Kasunod ng pagsisimula ng campaign period patuloy na hiling ng mga Pangasinense na maiangat man lang ng mga lider ang antas ng pamumuhay ng Isang Pilipino. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨