
Nanawagan na rin ang Makati Business Club (MBC) sa Senado na mag-convene bilang impeachment court, at simulan na ang impeachment trial kay Vice President Sara Duterte.
Ayon sa MBC, sa impeachment trial kasi magkakaroon ng tsansa na mailatag ang mga ebidensya at dito mapapatunayan kung totoo ang akusasyon laban sa pangalawang pangulo.
Maituturing anilang betrayal sa public trust kapag hindi inaktuhan ng Senado ang kanilang tungkulin.
Nagbabala rin ang grupo na kapag hindi sinunod ng mga mambabatas ang rule of law, maaapektuhan ang pagpasok ng mga dayuhan at lokal na mamumuhunan sa bansa
Sa ganitong paraan anila, hindi makakalikha ang Pilipinas ng maraming trabaho para sa mga Pilipino.
Facebook Comments