Makati LGU, hinihimok ang maraming residente na magparehistro na para sa COVID-19 vaccine

Nakikiusap si Makati Mayor Abby Binay sa mga residente na magparehistro na para magpabakuna kontra COVID-19.

Ito ang apela ng alkalde matapos na makatanggap ang Makati City ng mga dagdag doses ng AstraZeneca at Pfizer COVID-19 vaccines.

Ayon kay Binay, maganda sanang problema ito dahil mas madami na ang bakuna ngunit kakaunti pa rin ang nagparehistro.


Sa tingin pa ng Mayora, kaya marami pa ang hindi nagpaparehistrong magpabakuna dahil naghihintay pa sila ng brand na gusto nila.

Ngayong araw ay may mahigit 25,000 doses ng AstraZeneca at Pfizer na dumating pero wala na aniya sa 2,000 ang kanilang backlog.

Facebook Comments