Makati LGU, pinayuhan ang mga residente na huwag munang magtungo sa Outpatient Department ng Ospital ng Makati

Muling nakiusap ang lokal na pamahalaan ng Makati sa mga residente na iwasan munang pumunta sa Outpatient Department ng Ospital ng Makati habang may mga kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa abiso ng Ospital ng Makati, pinaalalahanan ang mga OPD patients na may appointment at may contact number na tatawagan na lang ang mga ng mga doktor para sa kanilang appointment.

Habang ang wala namang contact number ay pwedeng tumawag sa OPD hotline.


Sa ngayon ay may 1,663 na bagong active cases ng COVID-19 sa lungsod kung saan 41,887 ang confirmed case habang nasa 39,296 ang gumaling.

Facebook Comments