Mala-choco land na Christmas décor sa isang city hall ng Palawan, bagong selfie spot ng mga turista

46

Palawan – Patok na selfie spot ngayon para sa mga turista ang city hall sa isang bayan sa Palawan.

Nagmistulang “choco land” kasi ang gusali dahil sa makukulay at nakatatakam na mga dekorasyon panghimagas.

Pagpasok pa lang sa city hall, sasalubong na ang higanteng chocolate cake na aabot sa ikalawang palapag ng gusali.

Dinikitan naman ng mga kending gawa sa recycled materials ang kisame, dingding, hangdan at mga poste.

Ayon kay Raine Manuel, isa sa mga namahala sa pagde-decorate sa city hall – isang contest ang paglalagay ng dekorasyon sa city hall kung saan ang mananalong departamento ay makakatanggap ng 80-libong piso!

Panghimagas ang napiling tema sa paligsahan dahil gusto raw nila na maghatid ng matamis na pasko sa mga Palaweño.


Facebook Comments