Malabon City Hall, binulabog ng bomb threat

52

Binulabog ang bomb threat ang tanggapan ng Malabon City Hall kaninang umaga.

Ito ay makaraang makatanggap ang isang empleyado ng City Risk Reduction and Management Office (CRRDMO) ng Malabon ng text message na nagsasabing may bombang nakatanin sa city hall at sasabog ito ng alas 10:00 ng umaga.

Dahil dito, agad na rumesponde ang mga otoridad at agad na pinalikas ang mga empleyado ng city hall.


Sa pag-iinspeksyon ng PNP-Explosive Ordnance Disposal sa gusali ay wala namang silang nakitang anumang uri ng pampasabog.

Sa ngayon ay nagsasagawa na ng forensic examination sa cellphone na pinagpadalhan ng mensahe upang matukoy ang suspek sa nasabing bomb threat.

Facebook Comments