Malabon LGU at DZXL Radyo Trabaho, magtutulungan upang mabigyan ng trabaho ang mga residente ng lungsod

33

Nagpulong ang DZXL Radyo Trabaho at Malabon Local Government Unit (LGU) upang pag-usapan ang estado ng trabaho sa lungsod at kung paano patutulungan ang mga residente.

Kabilang sa dumating sa courtesy call ay sina Malabon Mayor Jeannie Sandoval at DZXL Radyo Trabaho Station Manager Buddy Oberas.

Ayon kay Mayor Sandoval, sa September ay inaasahan na magkakaroon ng job fair ang Public Employment Service Office-Malabon.


Hindi lang basta kalusugan ang problema ng pandemya kundi pati sa ekonomiya.

Samantala, tiniyak naman ng DZXL RMN Manila na tutulong ito para ipabatid sa publiko ang kaganapan sa lungsod pati na rin sa mga ikakasang job fair.

Facebook Comments