Malacañang, nagpahatid ng pakikiramay sa mga naulila ng mga biktima sa nangyaring bus accident sa Nueva Ecija

13

Manila, Philippines – Nagpahatid ng pakikiramay ang Malacañang sa mga naulila ng mga biktima sa trahedyang bus accident na naganap sa Carranglan, Nueva Ecija.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, nagpapatuloy ang rescue operations habang sisimulan na ang imbestigasyon.

Tinitiyak aniya ng Malacañang na panagutin ang sinumang responsable o nagkasala sa malagim na aksidente kung saan 31 katao ang namatay.
Nation

Facebook Comments