Malacañang, pinagpapaliwanag ang NHA ukol sa nga bakanteng housing units

9

Manila, Philippines – Pinagpapaliwanag ng Malacañang ang National Housing Authority (NHA) sa estado ng mga housing program sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, dapat mabigyang linaw ng NHA kung kailan ibibigay ang mga bakanteng housing units sa mga benepisyaryo nito.

Sinabi pa ni Roque, hindi na rin papahintulutan ang grupong Kadamay na mag-okupa ng mga pabahay na nakalaan sa mga unipormadong tauhan ng gobyerno.

Matatandaang bigong ma-okupa ng kadamay ang mga housing units sa Rodriguez, Rizal.

Facebook Comments