Malacañang – umapela sa publiko na magtiwala sa justice system sa ilalim ni Pangulong Duterte

217

Manila, Philippines – Umapela naman ang Malacañang sa publiko na magtiwala sa justice system sa ilalim ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa gitna ito ng pagsampa ng kaso laban sa apat na pulis-Caloocan na sangkot sa pagpatay kay Kian Loyd Delos Santos.

Ayon kay China Jocson, Assistant to the Presidential Spokesperson – mismong si Pangulong Duterte na ang nagsabing hindi niya palalagpasin ang anumang mali at iligal na gawain ng mga pulis.


Kabilang sa mga kinasuhan sina PO3 Arnel Oares, PO1 Jerwin Cruz, PO1 Jeremias Pereda at si C/ Insp. Amor Cerillo.

Facebook Comments