Malacañan, ipapaubaya na sa MTRCB at DFA hinggil sa pagpapalabas ng animated movie: ‘Abominable’

63

Ipinagbawal sa Vietnam ang pagpapalabas ng Animated Movie na ‘Abominable.’

Ito’y matapos ibalandra sa isang eksena ang nine-dash line claim ng China sa West Philippines Sea.


Noong October 2 pa ipinapalabas sa Pilipinas ang pelikula tungkong sa isang Chinese Girl na nakadiskubre ng isang ‘yeti’ sa kanyang bubungan.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ipauubaya na lamang nila sa Movie and Television review and Classification Board (MTRCB) ang desisyon kung ipu-pull out o iba-ban ang pelikula.

Tumanggi ring magkomento ang Palasyo tungkol sa paggamit ng nine-dash line sa Animated Film sa gitna ng agawan ng teritoryo sa WPS.

Facebook Comments

From Advertisers