Malacañang, dumistansiya sa nangyaring aktibidad sa Celebrity Sports Plaza

Nanindigan ang Malacañang na wala silang kinalaman sa nangyaring aktibidad sa Celebrity Sports Plaza kung saan idineklara ang vacancy sa Speakership sa Kamara at iniluklok si Marinduque Representative Lord Allan Velasco.

Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na tulad ng paninindigan ni Pangulong Rodrigo Duterte, wala siyang pakialam kung ano ang gustong gawin ng mga kongresista, basta ang concern ng Pangulo ay maipasa agad ang 2021 panukalang pambansang budget.

May ilang kumwestyon kasi na kung talagang hindi suportado ng Palasyo ang political activities sa Kamara, bakit naroon ang RTVM at nagsasagawa ng news coverage.


Ayon kay Roque, hindi niya alam kung bakit nasa Celebrity Sports Plaza ang RTVM at wala rin aniyang pasabi sa kaniya hinggil dito.

Facebook Comments