Malacañang, dumistansya sa pagkakabasura ng interim release ni FPRRD

Dumistansya ang Malacañang na magbigay ng komento kaugnay sa naibasurang petisyon para sa interim release ng dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, hayaan nalang ang mga abogado at kampo ni Duterte na umaksyon sa usapin.

Labas aniya ang gobyerno sa kinakaharap na kaso ng dating presidente at muling iginiit na walang kinalaman dito ang administrasyong Marcos.

Samantala, sinagot naman ni Castro ang pahayag ni Davao City Rep. Paolo Duterte na “political theater” umano ang hakbang ng International Criminal Court (ICC) at nagbanta laban sa mga itinuturing niyang “kidnapers” ng kanyang ama.

Giit ni Castro, dapat manaig ang rule of law at hindi ang pananakot o pagbabanta dahil ang Pilipinas ay isang sibilisadong bansa kaya’t nararapat lamang na tumugon sa pamamagitan ng legal na proseso.

Facebook Comments