Malacañang, iginiit na ginawa nila ang lahat para makakuha ng westerns vaccines pero China ang mabilis

48

Ginawa ng pamahalaan ang makakaya nito para maipadala agad sa bansa ang mga COVID-19 vaccines na gawa ng western pharmaceutical companies, pero sa huli ang China ang pinaka mabilis.

Ito ang sinabi ng Malacañang kasabay ng inaasahang pagdating ngayong linggo ng 600,000 doses ng CoronaVac vaccines na donasyon ng Chinese Government.


Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, alam ng publiko kung gaano nahirapan ang gobyerno na makakuha ng western vaccines tulad ng Pfizer at AstraZeneca.

Dagdag pa ni Roque, walang problema kay Pangulong Rodrigo Duterte na simulan ang vaccination program gamit ang Sinovac vaccines.

“Kaya nga po ganoon na lang ang tinatanaw niyang utang na loob sa mga Tsino dahil kahit papaano, sa panahon ng ating pangangailangan, nagde-deliver o magde-deliver po sila ng bakuna when we need it,” ani Roque.

Ang COVAX Facility ay nakatakdang simulan ang pagpapadala ng AstraZeneca vaccines bago matapos ang buwan.



Aabot sa 5.5 milyon hanggang 9.2 milyon doses ng AstraZeneca vaccines sa pamamagitan ng COVAX Facility ang darating sa unang kahalati ng taon.


Facebook Comments