Malacañang, iginiit na gustong lumabas ni VP Leni sa informercial kasama si Pangulong Duterte

76

Iginiit ng Malacañang na mismong si Vice President Leni Robredo ang nagsuslong ng ideyang lumabas siya sa isang vaccine infomercial kasama si Pangulong Rodrigo Duterte.

Matatandaang si Senator Joel Villanueva ang nagmungkahing magkaroon ng informercial ang dalawang mataas na lider ng bansa.


Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, itinutulak talaga ni Robredo na magkaroon ng infomercial.

Tingin ni Roque, nagboboluntaryo si VP Leni na maging bahagi nito.

Depensa ni Atty. Barry Gutierrez, ang tagapagsalita ni Robredo na handa si Robredo na gawin ang informercial at isasantabi ang pulitika para matulungan ang mga Pilipino.

Ikinalulungkot ni Gutierrez na mas inuuna ng ilan sa administrasyon ang kanilang political agenda.



Facebook Comments