Malacañang, may apela sa mga senior citizens at mga kabataan

147

Umaapela ang pamahalaan sa mga senior citizen at sa mga kabataan na manatili na lamang sila sa bahay.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, tumaas ang mga kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19) kung saan tumaas din ang bilang ng mga nahawaan ng sakit sa ilang may karamdaman at buntis.

Matatandaan na sa ilalim ng anumang community quarantine, mariing pinagbabawalang lumabas ng bahay ang edad 60 pataas, 21-anyos pababa at mga buntis dahil sila ang mas madaling tamaan ng Coronavirus.

Kinumpirma rin ni Health Undersecretary Leopoldo Vega na tumaas ng dalawang porsiyento ang critical case ng COVID-19 sa bansa.

Inamin din niya na nasorpresa sila sa pagtaas pero hindi naman daw naalarma ang Department of Health (DOH) dahil may sapat silang healthcare system.

Facebook Comments